03.08.06

I made this poem for a high school crush way back 2006. I won’t tell who. xD

Kunot nanaman yang noo mo
Mga mata’y nagluluksa
Hindi na matatago ng tawa ang tunay na nadadama
Hinahabol-habol mo pa rin ba siya?
Kahit gasgas na’t sugatan ang iyong kaluluwa
Nakakatawa, dama ko sa iyo
ang nararamdaman mo sa kanya.

Bakit pilit na pinagpipilitan ang sarili?
Bakit pinagpapaguran mo pa?
Kung sa kabila ka lang tumingin, nakita mo na sana.
Nakakatawa, sa mata mo ay siya lang ang nakikita
Sa isip ko, ikaw lang ang nagpapagulo.

4 Responses to “03.08.06”

  1. Eka Says:

    Rawr! Haha! Ambaduy mo tsong. Kilala ko kung sino to. Bwahahahahahaha!!! =D

  2. nikko Says:

    anu to??ung crush mo na lang ang di mo kinukuwento sa akin…:D

  3. jessica Says:

    Hahaha! I won’t tell kung sino nga eh! Kulet!xD Si Eka alam daw niya oh. Pataaay.

  4. Mitchy-IV Says:

    haha. NADADAMA.

Leave a Reply